Wednesday, June 17, 2009

to facebook or not to facebook

napag-iiwanan na naman ako ng panahon. palagi akong nagreresist ng urge. kahit kada bukas ko ng email ko e puro invite to join facebook ang karamihan ng nasa inbox ko, hindi ako bumibigay, kahit halos ipakidnap na ko ng mga kaibigan di pa rin talaga ako nagreregister. e bakit ba? kuntento pa naman ako sa friendster at multiply. tinatamad na nga ako mag upload ng mga pictures dadagdagan pa ng facebook. sus.

hanggang sa nakita ko facebook ng kaibigan ko. nagbrowse nang konti. pasilip silip. click dito. find friend doon. inamoy amoy. hmmmmmm... nah, di pa rin ako magpefacebook.

parang batang inaamo amo. sumali na daw ako, isasama daw ako sa mafia nila, magharvest sa farm, mag alaga ng virtual pet, kumain sa resto nila at kung anu ano pa. lokohin nyong lelang nyo. di pa rin ako magpefacebook.

yung isa kong kaibigan, ginawaan ako ng "temporary" facebook account para daw sa farm nya. mayroon daw agad 5 pending invites. pinadelete ko account. ayoko pa nga kasi magfacebook! ayaw! ayaw! ayaaaaw! hmpf.

lumipas ang ilang araw...

nagbrowse na naman gamit ang account ng isang kaibigan... hmmmm... mukang buhay na buhay ang updates dito ah... at lahat pwede lagyan ng comment. cool. ang daming games! swell. nilaro ko yung isang game na kinaaadikan namin ng kaibigan ko.

pigil na pigil ang damdamin ko, sabay na nagcoconcentrate ang isip ko at ang paglundaglundag at pagkandirit kandirit ng puso ko sa sobrang excitement. isang game muna. nanalo ako. hehehe. sige nga sige nga isa pa. uy dikit ang laban. may nakalaro akong austrian at briton na mababait at makwento, (constant na kalaro ko na yung briton at sabi nya sa kin maglaro daw ulit kami sa susunod... kung alam mo lang na wala akong facebook talaga hehe!) meron ding indianong mayabang na talunan naman sa bandang huli (pwe ka men! mag jaiho jaiho ka na lang! haha!) at meron ding australianong grouch. mostly americans kalaro ko.

potangna! ala una na nang madaling araw nasa harapan pa ko ng laftaf! kaadikan na to! natulog muna ako at pag gising kinabukasan, facebook na naman ang kaharap.

tuwing may nakikita akong nagpefacebook, laging tanong sa kin, may facebook ka ba? wala. gawa ka na! add kita! yoko, katamad e.

parang etong account ko sa multiply. dalawa kami ng kaibigan ko ang share dito sa account na to dati, kaya AVENZ ang name nito dahil para kay AVA at DENZ. tamad kase kami pareho magregister kahit na pinipilit din nila kami na magregister dito. sinipag si ava at gumawa ng account para sa ming dalawa. kaso nga lang, nagkaroon kami ng LQ kaya humiwalay sya ng account. iniwan nya sa akin to at dala dala nya yung mga bata (mga contacts nya). para sa mga tsismoso, very good friends ulit kami ngayon. at pagkakaalam ko, wala pa din syang facebook. hahaha!

lahat ng panahon at pagkakataon na gumawa ng facebook ay nasa akin... madami akong nakikitang mga bagay na nagugustuhan ko na hindi ko nakikita sa multiply at friendster. natutukso na ako... natutukso... naririnig ko at paulit ulit pa ring naririnig sa isip ko ang mga B.I kong kaibigan... magfacebook ka na... magfacebook ka na.... anjan na sya.... kukunin ka na nya....

aaarrrrggghhhh!!!! oo na!!!! maganda ang facebook!!!! nakakaaliw!!!! interactive!!!!

so sa hinaba haba ng walang kwenta kong litanya kung gagawa na ko ng facebook... ang sagot?



hindi pa din ako magpe faceboooookkk!!! [-(

edi wag. pero malay mo. mahilig ako sa grand entrance e. yung tipong magheheadlines sa mga tabloids at spreadsheets at porn mags na

"dennis, may facebook na!"

"North Korea dismantles nuclear project after Dennis' facebook registration"

"Osama bin Laden surrenders after being beaten by Dennis at Mafia Wars"

hahaha! kung sino man mga makakabasa nito. add mo ko sa facebook pag meron na ko ha! saka sendan mo ko ng energy packs sa mafia wars. lols!

Thursday, April 2, 2009

april fooled

alam ko namang april fool's kahapon e.

ang di ko alam, na ako ay mabibiktima.

ng kaibigan kong adik sa pang gugudtaym.

palibhasa, mukang santo. hahaha

pag open ko ng YM nung umaga, bumungad sa akin ang mensahe nyang

"akala ko kaibigan kita, yun pala hindi"

dahil di ko inaasahang ginugudtaym ako ng loko, nag alala naman ako. pagkatapos mag-isip sandali, tinanong ko sya kung anong problema.

e ang bilis ng karma.

nagloko ym nya at di nya nabasa message ko.

nung naayos ang ym nya, pm sya nang pm sa akin. di naman ako makasagot kaagad dahil busy ako sa trabaho.

di sya napakali at bumababa maya maya sabay gulo sa buhok ko at suot ng maliit na sulat sa bulsa ng damit ko

"happy april fools!"

anong happy dun?

Monday, March 2, 2009

kamag-anak ni superman

isang flaw ng pagiging closely knit ng mga pilipino ay ang tendency na abusuhin ito.

take this as an example.

may nagpapahanap sa opisina namin ng isang dokumento na hindi alam ng tao ang mga detalye. ang masaklap nun, SA KANYA MISMO ANG DOKUMENTO.

pagkatapos ng mahaba habang question and answer portion, at matapos iparamdam sa tao na hindi mahahanap ang dokumento nya kung wala yung detalyeng hinihingi, bumanat sya ng isang makabagbag damdamin at makalaglag karsunsilyong:

"kamag-anak po ako ni mayor"

nagdilim ang paningin ng kaopisina ko. nagsalubong ang kilay. kumulubot ang kulubot nang mukha.

"kahit na ho. hindi talaga mahahanap ang dokumento nyo kung wala yung number."

nakakainis ang ganung sitwasyon. kung sino sinong pangalan ang ipapain para lang mapabilis ang transaksyon. malas na nga lang nya at hindi kami nadadala sa ganun. lalo na kapag ako ang nakaharap, binabara ko talaga.

"lalo lang ho kayo mapapagalitan nyang kamag-anak nyo dahil ginagamit nyo ang pangalan nya. bawal ho yon."

yung dating mayor namin na si BF, ayaw na ayaw nya na ginagamit ang pangalan nya ng kung sino mang mga kamag-anak nya sa kahit ano mang transaksyon. kung talagang kamag-anak nya talaga yon.

ang kapal naman kase ng muka ng iba, akala makakagawa sila ng milagro kapag nag name drop sila.

pasensya sila, di nila ako masisindak. dahil matagal na kong sindak.

kahit kamag-anak mo pa si superman.

Monday, February 2, 2009

to jog or not to jog

magjajogging sana ako ngayong gabi after office. niyaya kase ako ng mga kaibigan kong sinapian ng kung anong espiritung itim at biglang nahilig sa exercise.

e kaso tinamad ako bigla. may dala pa naman akong rubber shoes at extra shirts at towel. ang kaso nga, tinamad ako. saka isa pa, lalo lang lalakas ang pagkain ko kapag napagod ako, so yung calories na maaalis ko sa katawan, doble naman ang papasok pag kumain ako after. lamon pala. ang sarap kaya kumain.

haaay sana magkaroon ako ng malakas lakas na will power para maumpisahan ang aming pangakong health and wellness 2009. naiwan lang ako ng mga kaibigan ko dahil nag oovertime kami simula pa december hanggang ngayong january. since february na ngayon, akala ko magkakaron na ko ng time para mag exercise kuno pero nanaig pa din ang katamaran.

pero mukang bumabalik na naman ang urge ko na magbadminton. nagkayayaan na naman kase ang aking mga kaibigan na maglaro. buti na lang naitago ko pa ang raketa ko na mejo tinitirhan na ng mga gagamba. konting linis lang yun, ayos na. naalala ko pa nung binili namin yun ng ka team ko sa badminton nung college sa toby's sa robinson. binigyan kame ng pera ng coach namin pero nakahanap kame ng buy 1 take 1 na raketa na maganda ang quality so ang kinalabasan, may kickback pa kame. ahahaha.

siguro dala ng maghapong walang humpay na trabaho kaya ako tinatamad na magjogging. buti pa si jabey, yung kaibigan kong hari ng kabatuganan na kahit sa ortigas pa nanggagaling e di tinatamad mag jogging.

sana bukas sipagin na kong mag jogging. ewan ko lang. katam mode on high alert level ako ngayon e.

Saturday, January 31, 2009

pinakanakakahiyang karanasan ko sa jeep

New Year's Resolution no. 3, series of 2009: iwasan, o at least bawasan ang pagiging suplado. try your best to be a people person. parang awa mo na, do your best.

parte yan ng aking semi-secret new year's resolution cum press release na pilit kong ikinukumbinsi sa sarili ko na gawin. synonimous na kase ang pangalan ko sa salitang "suplado"

kaninang umaga habang nakasakay ako sa jeep papunta sa trabaho, may nakatabi akong pamilyar na muka. hindi ko gawi ang makipag titigan kung kanikanino kapag nasa labas. at dahil sinabi ng aking dehydrated brain na kasamahan ko sya sa trabaho, binungaran ko sya ng isang pasweet (read: pamanyak) na ngiti sabay ipon ng lakas ng loob para magumpisa ng isang short and friendly conversation.

inabot ko na ang bayad ko.

"uy! bayad ka na?"

"oo bayad na" sabay ngiti.

di ko pa rin sya masyadong tinignan. painosenteng tingin sa malayo.

"late na tayo no?" banat ng bida.

"oo nga e." sagot ng extra.

eto na pagkakataon ko. kwento kwento kwento. kwento tungkol sa mga pangyayari sa opisina. kwento tungkol sa kung anu ano. parang gumaan na ang loob ko at feeling close na ko kay miss congeniality.

tanong tanong tanong. sagot naman sya nang sagot. tanong sya. sagot naman ako. parang ang haba haba ng byahe namin sa dami ng napag usapan namin.

pero di pa rin ako tumititig sa kanya.

nung malapit na kaming bumaba, kaswal ko syang tinanong.

"ano nga ulit name mo? saka sang department ka nga ulit?"

"cathy name ko. saka di ako taga city hall, sa (may sinabing kumpanya di ko maalala) ako nagwowork"

nagimbal ako. sabay lingon sa kanya. tumitig. tinitigan ang uniform nya.

utak ko: "ay @%#^! kamuka lang pala! @%#$% parehas pa kami halos ng uniform"

sheet. packing sheet. packing sheet talaga.

abot abot ang hiya ko sa sarili ko. buti na lang at maingay ang makina ng jeep, malakas nang konti ang sounds, at mukang walang naririnig ang mga kasakay namin. at mukang inuuto ko lang ang sarili ko na walang nakarinig sa sinabi nya.

"sige ha baba na ko. ingats"

katahimikan for eternity.

hanggang sa pagbaba ko tahimik ako. di man actually nakakahiya yung insidente e hiyang hiya pa rin ako sa sarili ko. kwento ako nang kwento, kwento din naman sya nang kwento. pero at least, it's nice to talk to strangers once in a while hehehe.

moral lesson: siguraduhing kakilala mo yung kinukwentuhan mo bago makipagkwentuhan.

buti na lang di sya suplada. malamang pareho kame ng new year's resolution. hehehe.

Friday, January 9, 2009

outing!

outing ng cheerdancers ngayong gabi hanggang bukas. excited na ko kase magkakasama sama na naman kame. umaatikabong kalokohan na naman ang mangyayari at walang katapusang katatawanan. sigurado bulabog ang sambayanan ng pansol sa pagdating ng aming grupo. hep hep? hooraaayy!!! maganda na rin ito para pang release ng stress.

pero kahit anong saya namin parang di pwedeng walang negatibong bagay na hahadlang kahit kaunti sa aming pagsasaya. andyang may lumabas na isyu tungkol sa pera at solicitations. crap. vullsheet. basta ako mageenjoy. basta ako manghaharot at may pagkakataon, mangmamanyak. hehehe!

ang tagal naman nung iba. kahit wala tuloy ako planong magblog e nakapagsulat ako ng wala sa oras.

at ang sakit pa ng tyan ko. sana wag akong abutin sa daan.

Saturday, December 6, 2008

my first attempt at cheerdancing

bruises. helicopter. push ups. lifting. camaraderie. elevator. fall. pilay. sakit ng katawan. enjoyment.

sa buong buhay ko, hindi ko inakalang mararanasan ko ang cheerdancing. madalas napapanood ko lang sya sa TV at kung titingnan mo parang ang dali maghagis hagis sa ere na may paikot ikot pa (helicopter) at mga lifting na kala mo nagbubuhat lang ng unan.

enjoy panoorin. hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na nasa gitna ng field, nagpapractice ng steps. nagbubuhat. sumisigaw. nagpapalipad at sumasalo.

para san ba tong @$#$@ na ginagawa namin? para sa xmas party namin na sports ang theme. buti na lang isang laro na lang ang sasalihan ko. sapilitan pa. kung di lang dahil sa memo bat ko ba pag aaksayahan ng panahon yan.

nung makalawa lang ako nagumpisa ng practice. ilang practice na rin ang di ko sinipot nung una dahil sa katamaran, daming trabaho, katamaran ulit, at dami ng trabaho ulit. 4 practices akong wala. buti nakuha ko agad yung steps kanina. whew. at yung mga matitigas ang mukha (aray) na di pa rin umattend kanina despite the memo, goodluck sa explanation slip nyahahaha!

nung una support lang ako. siguro nakitang mukha akong tingting na di kayang magbuhat. yes. gaan ng role. hehehe. hanggang sa tinawag ako para paliparin nang paikot yung isa naming kasama. at bukod pa dun, meron pang sasakay sa balikat ko sabay buhat. nakanang. instant gym.

nung una akala ko di ko sya maeenjoy. umuuwi ako na palaging masakit ang katawan. practice ng sayaw sa festival sa umaga, cheerdance sa gabi. hanggang sa unti unti na nagkaroon ng bonding ang grupo. nakakabuo na ng steps at stunts. nagkakabiruan na. sumasaya na ang practice.

sa monday na ang sayaw para sa rehiyon rehiyon festival. pahinga muna ng practice sa cheering. balik sa miyerkules. sana di ko makalimutan ang steps at lifts.

at eto nga pala ang remembrance ko sa unang practice ko. hiwa ng sapatos sa kamay nung may bumagsak. ayos vindicated na.