Saturday, January 31, 2009

pinakanakakahiyang karanasan ko sa jeep

New Year's Resolution no. 3, series of 2009: iwasan, o at least bawasan ang pagiging suplado. try your best to be a people person. parang awa mo na, do your best.

parte yan ng aking semi-secret new year's resolution cum press release na pilit kong ikinukumbinsi sa sarili ko na gawin. synonimous na kase ang pangalan ko sa salitang "suplado"

kaninang umaga habang nakasakay ako sa jeep papunta sa trabaho, may nakatabi akong pamilyar na muka. hindi ko gawi ang makipag titigan kung kanikanino kapag nasa labas. at dahil sinabi ng aking dehydrated brain na kasamahan ko sya sa trabaho, binungaran ko sya ng isang pasweet (read: pamanyak) na ngiti sabay ipon ng lakas ng loob para magumpisa ng isang short and friendly conversation.

inabot ko na ang bayad ko.

"uy! bayad ka na?"

"oo bayad na" sabay ngiti.

di ko pa rin sya masyadong tinignan. painosenteng tingin sa malayo.

"late na tayo no?" banat ng bida.

"oo nga e." sagot ng extra.

eto na pagkakataon ko. kwento kwento kwento. kwento tungkol sa mga pangyayari sa opisina. kwento tungkol sa kung anu ano. parang gumaan na ang loob ko at feeling close na ko kay miss congeniality.

tanong tanong tanong. sagot naman sya nang sagot. tanong sya. sagot naman ako. parang ang haba haba ng byahe namin sa dami ng napag usapan namin.

pero di pa rin ako tumititig sa kanya.

nung malapit na kaming bumaba, kaswal ko syang tinanong.

"ano nga ulit name mo? saka sang department ka nga ulit?"

"cathy name ko. saka di ako taga city hall, sa (may sinabing kumpanya di ko maalala) ako nagwowork"

nagimbal ako. sabay lingon sa kanya. tumitig. tinitigan ang uniform nya.

utak ko: "ay @%#^! kamuka lang pala! @%#$% parehas pa kami halos ng uniform"

sheet. packing sheet. packing sheet talaga.

abot abot ang hiya ko sa sarili ko. buti na lang at maingay ang makina ng jeep, malakas nang konti ang sounds, at mukang walang naririnig ang mga kasakay namin. at mukang inuuto ko lang ang sarili ko na walang nakarinig sa sinabi nya.

"sige ha baba na ko. ingats"

katahimikan for eternity.

hanggang sa pagbaba ko tahimik ako. di man actually nakakahiya yung insidente e hiyang hiya pa rin ako sa sarili ko. kwento ako nang kwento, kwento din naman sya nang kwento. pero at least, it's nice to talk to strangers once in a while hehehe.

moral lesson: siguraduhing kakilala mo yung kinukwentuhan mo bago makipagkwentuhan.

buti na lang di sya suplada. malamang pareho kame ng new year's resolution. hehehe.

No comments: