Saturday, September 27, 2008

lindol

lumindol daw kaninang umaga. mga bago mag 11 am. kasalukuyan akong andito sa opisina at nag tatrabaho (?) nang biglang magtanong ang kasama ko at si boss kung lumilindol. tahimik akong nakiramdam. para nga akong nahihilo. tumingin ako sa water dispenser at umuuga nga sya. tahimik ulit akong nakiramdam kung lalakas pa, o kung mararamdaman ko. di kase ako nakakaramdam ng mga mahihinang lindol. ang alam ko lang na umuuga ay kapag nasa kama ako at... yun na.

ganun daw talaga kapag sobrang init tapos sobrang lamig. sala sa init sala sa lamig. siguradong karambola sa sala sa bahay kapag biglang lumakas. pero wag naman sana. *knock on wood* ayoko na maranasan pa yung 1990 earthquake. porsyur dead on the spot ako sa sobrang nerbiyos. nerbiyoso pa naman ako. (fact about me)

tama na yung gumagawa ako ng sariling lindol... sa kama.

4 comments:

Ishna Probinsyana said...

Ako hindi ko naramdaman. tulog pa ko nun eeeh. =))

Urban Ermitanyo said...

pinapakiramdaman ko di ko naman naramdaman masyado.

tintin said...

ay! hindi ko din naramdaman. ahahahahahahahahahaa.

Urban Ermitanyo said...

ang hihina naman ng pakiramdam nyo. wahaha